Thursday, March 26, 2009

kwentong peyups


1. ANONG STUDENT NUMBER MO?
00-71804
At least, umabot pa sa new millennium. Hindi pa ganun ka-ancient.


2. NAKAPASA KA BA OR WAITLISTED?
Awa ng Diyos, nakapasa naman.

3. PAANO MO NALAMAN ANG ENTRANCE EXAM RESULT?
Hmm, bumabagyo pa nun ng lumabas ang result. Sinabihan yata ako ng isang kaklase. Ayoko pang maniwala hanggang di ko nakita sa newspaper.

4. ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE?
Linguistics. Wala akong alam tungkol dun pero dahil yun ang gustong kunin ng isa kong pinsan at sounds sushal, so yun ang kinuha ko.

5. SECOND CHOICE?
BAA. Lahat naman yata ng magulang nun, yun ang gustong ipakuha sa mga anak.

6. ANO COURSE NATAPOS MO?
Public Administration

7. NAG-SHIFT KA BA?
Yep. nosebleed talaga ako dun sa linguistics.

8. CHINITO/CHINITA KA BA?
True blue pinay.

9. NAKAPAG-DORM KA BA?
Siyempre.
Kalay. Molave. Yakal. Ilang-ilang.


10. NAKA UNO KA BA?
meron din naman. looking back, parang andaling makakuha ng uno nun. ngayon sa lost school, dugo, pawis, pati uhog ang kailangan ibigay para makakuha ng tres. :)

11. NAGKA-3?
yup. meron din.

12. LAGI KA BANG PUMAPASOK SA KLAS?
Yup. Nasa dorm lang naman kasi ako. kaya kahit bumabagyo, basta may pasok, pasok pa rin ako. Nagwalk-out lang ako nung Edsa Dos kasi si Prof. Bauzon na rin ang nagsabi na magwalk-out kami. Sumusunod lang naman ako sa utos ng mga nakakataas.

13. MAY SCHOLARSHIP KA BA?
STFAP

14. ILANG UNITS NA ANG NAIPASA MO.
sa undergrad? tapos na lahat.
sa MA? thesis units na lang.
sa lost school? mahaba-habang biyahe pa to.

15. NANGARAP KA BANG MAGING CUM LAUDE?
nangarap din naman at nagsumikap na matupad ang pangarap.
Kasi naman yung nanay ko lagi akong pinagsasabihan nung hayskul, bakit daw di ko siya pinapaakyat ng stage?
Sabi ko naman sa kanya, tara ma, akyat tayo ngayon na. (pilosopang bata!)
Kaya nung aakyat na kami sa stage nung college grad, binulungan ko siya.
O ma, aakyat na tayo ng stage ha. UP pa. hehe


16. KELAN KA NAGTAPOS?
April 2004

17. FAVE PROF
Mam Mila Aguilar
Sir Jocano


18. WORST TEACHER:
Prof. Saguil

19. FAVE SUBJECT:
Hum 1

20. WORST SUBJECT:
Math 17

21. FAVE BUILDING:
Molave.

22. PABORITONG KAINAN:
Albergus. walang choice, yun ang kainan sa dorm eh.

23. NONG ESTUDYANTE KA PA MAGKANO BA ANG BINABAYAD MO SA JEEP?
3.50

24. LAGI KA BA SA LIBRARY
hindi masyado. mas gusto ko laging nasa labas.

25. NAGPUNTA KA BA SA CLINIC NUN?
infirmatay? oo. para magpatoothbrush. 10 pesos lang bayad sa oral prophylaxis eh.

26. MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS?
marami din naman. yung isa, naging gaysha na. ;P

27. ANU-ANO ANG MGA NAGING PE MO?
Social Dance 1 and 2, Basketball, Softball, Bowling

28. KAMUSTA NAMAN ANG BLOCK NYO?
okay lang pero halatang ginawang backdoor lang ang ling. isa lang ang gumraduate ng linguistics sa amin at teacher na siya ngaun sa dept.

29. MEMORIZE MO BA ANG ALMA MATER SONG
oo naman. It never fails to give me the goosebumps. Pero mas gusto ko yung version for Lean Alejandro.

Malayong lupain
Di kailangang marating
Dito maglilingkod sa bayan natin.


30. MEMBER KA BA NG VARSITY TEAM?
asa pa. iba ang interests ko nun.

31. NAKA-PERFECT KA NA BA NG EXAM?
yup, lagpas pa sa perfect. Land Administration exam. That was right after watching the Oblation Run.

32. DITO KA BA NATUTONG UMINOM NG BEER?
di ako masyadong umiinom nun. sa lost skul pa.

33. Nahuli ka bang nakikipaglampungan sa Sunken Garden/ UP grounds?
hwhaat?!? ang sarap ngang pagsabihan ng mga yun, get a room!

34. Saan ang pinakamasarap na Fishball?
hindi ako masyadong mahilig sa fishball kasi masyadong artificial na ang lasa, di ko malasahan ang fish. mas gusto ko yung fishball nung highschool na galing sa balde, at ang pinangkukuha ung kutsara para sa gatas. 2 for 25 cents. sulit na sulit.

35. Anong battalion mo nung ROTC?
We weren't required to join that.

36. Ano paborito mong meryenda sa UP?
Banana cue, monay, rice krispies sa first stall, halo-halo sa LB for 15pesos.

37. Naikot mo na ba ang buong UP grounds?
siyempre naman.

38. Inulan ka ba nung umattend ka ng University Graduation?
napakainit nga nun. pero nun ko naramdaman na graduate na nga talaga ako.

39. Ano ang pinakagrabeng pilang napuntahan mo?
enrollment. although nung first year ako unang inimplement ang CRS.

40. Kung may quote ka para sa UP, ano ito?
Salamat sa paghubog ng aking kamalayan.

No comments: